Sa Ngalan ng Ama, ng Anak, at ng
Espiritu Santo, Amen. Leche! Ang tagal ko ng hindi naniniwala sa pagdadasal na
yan. Wala naman naitutulong na mabuti
yan sakin eh. Araw-araw na lang akong
nagdudusa at nahihirapan. Bakit ganun?
Parang ang paghihirap ko ay walang katapusan?
Araw-araw na lang akong pumapasok
ng simbahan at nagdadasal habang naglalakad ako ng paluhod sa Quiapo at
Baclaran pero bakit wala pa ring nangyayari sa hinihiniling ko? Minsan inisip ko pinagkaitan talaga ako ng
tadhana.
Sige, ikaw ba naman ang ipanganak
bilang panganay na anak sa isang maralitang bahay na halos isang kayod isang
tuka? Panganay nga ako pero 10 naman
kaming magkakapatid! Bakit di kaya naisip ng mga mga magulang ko na nakaka-bad
trip yung ginawa nila? Hindi ba nila naisip na habang sila eh nasa rururok ng
kaligayahan eh may mga bata na magugutom at hindi makakakain dahil sa labis
nilang paggawa ng anak? Taun-taon na lang eh nanganganak ang nanay ko!
Eto pa, 10 na nga kaming
magkakapatid eh bigla pang iiwan ng tatay ko ang nanay ko! Aba! Matindi! Ngayon
ako aasahan ng nanay ko na kumayod para sa amin? 16 pa lang ako pero hinahangad
ng nanay ko na makapangasawa ako agad ng mayaman at ng mawala kami sa putik na kinakasadlakan
namin!
Umaga na naman pala! Pangatlong araw
na iniwan kami ni tatay. Ang nanay ko naman eh nagtutulug-tulugan na naman at iniisip
ata nya na babalikan pa kami ni tatay samantalang ang tsismis nga eh sumama na
sa matandang babae para maiahon siya sa hirap.
Ako bilang panganay ang bibigyan na naman ng responsibilidad upang
kumayod at magasikaso sa lahat ng kapatid ko.
Hayaan sige, bilang ate, ako na
gagawa ng lahat, magluluto ng almusal papaliguan ang mga bata tapos ihahatid sa
eskuwelahan at dun naman ako kakayod at magkakakalkal ng basura para makabenta
man lang ng kalakal upang makakain kami ng tanghalian at hapunan.
Gutom na gutom na nga ako pero
dahil bilang ate kailangan ko magsakripisyo para sa mga kapatid ko na sila muna
ang kumain bago ako. Alam nyo, mahirap
ang buhay naming kasi di namin alam kung saan kami kukuha ng pambili ng pagkain
eh. Tapos paglabas mo pa sa kalsada, sisingilin ka pa ni Aling Maria dahil may
utang pa kaming limang de lata ng sardinas na hindi pa bayad. Pagdating mo sa
traysikelan eh puro polusyon ang malalanghap mo pa. Ni hindi ka pa nga
nakakalayo eh amoy usok at basura ka na eh!
Ano pa ang aasahan ko sa
pagdadasal? Wala diba? Kung nakikinig talaga ang Diyos sa mga panalangin ko eh
di sana kahit ung kinakain man lang namin eh nabibigyan ng solusyon at hindi
talaga kami nag-iisip! Eh hindi eh! Kaya yang sinasabi niyong Diyos niyo parang
hindi totoo dahil kung mahal Niya lahat ng nilikha Niya hindi kami malilipasan
ng gutom. Minsan iniisip ko na lang din
na kitilin ang buhay ko eh pano pa kami mabubuhay kung ganito? Mahirap ang
sitwasyon namin, mahirap na iisipin ko saan ako kukuha ng pangkain,
pangmatrikula ng mga kapatid ko.
Alam ko na! Bakit nga kaya di
lang ako pumasok dun sa bar sa kanto namin.
Wala naman masama kung magsasayaw lang ako eh, wala namang pwedeng
mangyari sakin dun. Siguro naman papasa akong 18 na, sabi kasi nila bawal ang
menor de edad. Kung gagawin ko ung baka
pwede pa kaming kumain ng maayos.
******
Ayan na nga ba ang sinasabi ko
eh!! Tatlong taon na ako na nagpuputa eh wala pa rin nangyayari sa buhay namin!
Namatay na ang nanay ko tapos etong apat ko naman na kapatid eh drug addict na!
Yung iba ko namang kapatid na babae eh nagsipag-asawa n asana etong bunso na
lang ang matirang matino sa amin at makapagtapos ng kolehiyo.
Napadaan nga ako nung isang araw
sa Quiapo eh nakita ko ung mga nagdadasal ng paluhod dun, tinawanan ko lamang
dahil alam ko kahit magasgas pa ang tuhod nila kakalakad ng paluhod eh walang
mangyayari. Wala rin naman makikinig sa
kanilang Diyos dahil hindi totoo un eh! Walang Diyos! Wala un! Dahil lahat na ginawa
kong pagdadasal simula nung nagkaisip ako pero puro hirap pa din eh. Walang
kwentang magdasal sa Diyos niyo!
******
Si Nene nakatapos na ng kolehiyo
sa wakas! Kahit papano ang aking paghihirap at pagdudusa bilang bayarang babae
eh nagbunga naman. Malapit na nga siyang
magumpisa bilang sekretarya sa isang maliit na kumpanya. Sabi ko nga ok na yan kesa maging pokpok kang
kagaya ko!
Buti nga at nagkapagumpisa na
siya ng trabaho at kahit papano makakapagbigay na siya sa bahay kasi lahat ng
kapatid namin ay puro asa ang alam at pati mga asawa at anak nila eh inaasa na
nila sakin. Halos wala na nga akong pahinga sa pagpasok sa bar eh. Kahit sino na nga eh pinapatulan ko kahit
bata o matanda pa yan, sayang yan pera din yan.
Ngunit ngayong araw na to, parang
hindi ko kayong pumasok sa trabaho eh. Nilalagnat
ako ng tatlong araw na at inuubo. Minsan pa eh parang bigla akong bumagsak
habang naglalakad sa kalsada. Pinipilit ng kapatid ko na ako ay magpakonsulta
sa doctor na baka gawin ko din bukas pero dagdag gastos pa eh. Di bale sasahod
naman na si Nene eh kahit papano ung gagastusin ko eh pwede ko muna iutang kay
bunso.
******
Sa klinika ng doctor dito sa
Maynila:
Doktor: Iha, hindi pa kami
sigurado pero base sa mga resulta ng mga test na ginawa sayo, may AIDS ka at
alam mo naman na hindi na magagamot ang AIDS. Ikinalulungkot ko pero may taning
na ang buhay mo.
******
Nahihilo akong lumabas ng klinika
ng doktor. May AIDS daw ako. Alam ko naman na hindi imposible yun eh pero
nakakabigla lang kasi bata pa ako eh! May mga pangarap pa rin naman ako. Akala ko
bago ko mag-edad na trenta eh makakapangasawa pa ako. Gusto kong umiyak,
magpakamatay pero wala ng mangyayari eh mamatay pa din naman ako.
Habang naglalakad ako pauwi
nasilayan ko ang Quiapo, inisip ko naman na pumasok kaya ako at kahit sa huling
beses eh humiling ako at humingi ng tawad sa Kanya. Siguro naman kahit sinumpa
ko Siya at kinuwestiyon ko ang kapasidad Niya eh mapapatawad pa din nya ako.
Sa huli pumasok na ako at
nagdasal ulit. Sa simbahan ko iniyak lahat ng hinagpis at problema ko. Dun ko
nilabas lahat ng sama ng loob at katanungan ko sa Kanya. Bago ako umalis may
lumapit na matanda at tinabihan nya ako sa upuan.
Ang tanging sinabi niya sa akin
eh, “Anak, napansin ko parang nahihirapan ka na. Huwag kang magalala lahat ng hirap mo ay
nakita Nya at naramdaman din Niya iyon. Tandaan mo parati sa laban ng buhay mo
eh kasama mo Siya at Siya lamang ang nagiisang kayang sumalba sa iyong
kasalanan at pagdudusa. Mahal ka Niya, yan ang tatandaan mo.”
Kumurot sa puso ko ang sinabi ng
matanda at habang nakayuko ako eh inabot nya sa akin ang panyong puti na pamahid ng luha ko. Nang iangat ko ang ulo
ko hinanap ko ang matanda para magpasalamat at hagkan siya ngunit pagtingin ko
wala naman akong katabi.
Sa puntong iyon puro iyak na lang
ang aking ginawa pero parang ang gaan ng aking pakiramdam.
Sa Ngalan ng Ama, ng Anak, at ng
Espiritu Santo. Amen.
********************************
Disclaimer: The story is entirely fictional and created by the owner of this blog, any similarity in character, name and location to a real person is unintended and the above story does not refer to anyone in particular.
Disclaimer: The story is entirely fictional and created by the owner of this blog, any similarity in character, name and location to a real person is unintended and the above story does not refer to anyone in particular.
Disclaimer: Ang maiksing istory na ito ay kathang-isip lamang ng may-ari ng blog. Kung mayroon mang pagkakahawig nito sa tunay na buhay, ito ay hindi sinasadya ng writer. Ang istoryang ito ay hindi pinapatungkulan ang kahit sino.